DOLE, nakahandang tumugon sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na hanapan ng ibang trabaho ang mga Pinoy POGO worker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na nakahanda silang ipatupad ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hanapan ng alternatibong trabaho ang mga Pilipinong manggagawa sa POGO.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA na tuluyan nang iba-ban ang mga POGO sa Pilipinas.

Ayon kay Laguesma, kahit noon pa man ay may koordinasyon na sila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng mga Pinoy POGO worker.

Meron naman aniyang programa ang DOLE para matulungan ang mga mawawalan ng trabaho.

Kabilang aniya sa mga programa ng DOLE ang job facilitation, referral sa mga available na trabaho, upskilling at reskilling para maka adjust sila at mag match sa mga available na trabaho.

Sa ngayon ay kinukumpirma pa ng DOLE kung ilan talaga ang mga Pinoy na manggagawa sa POGO industry.

Base kasi aniya sa datos nila noong nakaraang taon ay nasa 20,000 ang POGO workers.

Dahil nabawasan na rin ang mga POGO ngayong taon ay maaaring nabawasan na rin ang mga POGO worker. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us