Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) Davao Region ang pagdiriwang kamakailan ng 2024 World Day Against Child Labor (WDACL) kasama ang mga batang survivors ng Masara Landslide sa Davao de Oro.
Nasa mahigit 200 bata at kanilang mga pamilya ang nakilahok sa dalawang araw na kasayahan, mga laro, at pampering services noong June 26 at 27, 2024, sa evacuation camps ng Campo Uno at Campo Dos na matatagpuan sa Barangay Elizalde sa bayan ng Maco, Davao de Oro.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng DOLE XI Davao de Oro Field Office na pinanguluhan ni Provincial Head Neil Allan Baban.
Nagpakita rin ng all-out support sa activity si Mediator-Arbiter Atty. Connie Beb Torralba at mga hepe ng DOLE XI Field Offices.
Ang Provincial Government ng Davao de Oro na pinangunahan ni Gov. Dorothy Gonzaga ay nagpasalamat sa mga mapagbigay at supportive partners sa pag-organisa ng event na puno ng aliw at kaligayahan at hindi malilimutang kananasan ng mga benepisyaryo, lalo na sa mga bata.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao