DOST-PHIVOLCS at JICA, magtutulungan para mapahusay pa ang pagtugon sa kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kampante ang Department of Science and Technology at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mapahusay pa ng bansa ang pagtugon sa mga kalamidad.

Ito ay matapos isagawa ang signing ceremony sa pagitan ng DOST-PHIVOLCS at Japan International Cooperation Agency (JICA), para palakasin pa ang kapasidad sa pagbabantay at information dissemination tungkol sa lindol, tsunami at bulkan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na mas naging mahusay na ang hazard assessment ng gobyerno sa tulong na rin ng mga makabagong kagamitan.

Batid na ng government agencies ang mga gagampanang papel sakaling tumama ang kalamidad tulad ng the Big One.

Gayunman, kailangan pa ring ipagpatuloy ng PHIVOLCS ang pagpapalakas ng kanilang kakayahan lalo na sa usapin ng teknolohiya.

Ngayong araw, ginugunita ng PHIVOLCS ang ika 34 na taong anibersaryo ng 7.8-magnitude earthquake sa northern at central parts ng Luzon, noong Hulyo 16, 1990.

Mahigit sa 1,200 katao ang namatay at P10 billion halaga ng pinsala ang iniwan ng malakas na lindol. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us