DOT, ikinatuwa ang pagkilala ng UNESCO sa Apayao bilang ika-apat na biosphere reserve ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagdiriwang ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakasama ng lugar ng Apayao sa listahan ng UNESCO bilang pinakabagong “biosphere reserve” ng bansa.

Sa mensahe ni DOT Secretary Chrisitina Garcia-Frasco, taos-puso ang kanyang pagbati sa Apayao dahil sa nakamit na pagkilala sabay pagbibigay-diin sa mga susunod pang kolaborasyon sa mga local stakeholder para sa pagpapalakas pa ng sustainable tourism practices at pag-promote ng ganda ng Apayao.

Kinilala ang Apayao sa naganap na 36th session ng International Coordinationg Council ng Biosphere Programme na ginanap sa Morocco noong Hulyo 5, 2024. Kilala bilang “last frontier of Cordillera,” kasama na ngayon ang Apayao sa prestihiyosong listahan ng mga “biosphere reserve” ng Pilipinas, na kinabibilangan ng Albay, Palawan, at Puerto Galera.

Sinasabing saklaw ng biosphere reserve ang lupang may lawak na 3,960 square kilometers na kinabibilangan ng Upper at Lower Apayao regions.

Pinagtibay naman ni Sec. Frasco ang commitment ng DOT sa biodiversity conservation sa ilalim ng National Tourism Development Plan 2023-2028 at tinitiyak ang proteksyon ng mga likas na yaman ng Pilipinas bilang pangunahing bahagi ng estratehiya pang turismo ng bansa. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us