Tinatarget ng Department of Tourism-NCR na mapataas pa ang bilang ng mga local at foreign tourists na makabisita sa Metro Manila ngayong 2024.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng PIA, iniulat ni DOT NCR Regional Dir Sharlene Zabala-Batin na umabot sa higit 30 milyong turista ang nagtungo sa Metro Manila noong 2023.
Kabuuang 7, 143, 531 turista ang overnight tourists habang 32,482,842 naman ang same day arrivals.
Ayon kay RD Batin, nangunguna pa rin sa mga foreign tourists na bumisita noong 2023 ay mula sa US, Korea, China, Japan at Australia.
Sa taong ito, sinisikap aniya ng DOT-NCR na mapalago pa ang tourists growth sa 10-15%
Kasama sa proyektong isinusulong ngayon ng regional office ang pagpapalawak ng hop-on hop-off buses na layong ipakita ang iba’t ibang makasaysayang lugar sa Metro Manila, historical sites, museo at iba pang mga patok na pasyalan. | ulat ni Merry Ann Bastasa