Patuloy na pinalalakas ng Department of Tourism (DOT) ang sektor ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng pagsiguro sa kaligtasan ng mga turista.
Nakipagsanib-pwersa ang DOT sa Department of Health (DOH) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para itayo ang kauna-unahang Tourist First Aid Facilities.
Dinaluhan ang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding nina Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, Health Secretary Teodoro Herbosa, Jr., at para kay TIEZA Chief Operating Officer (COO) Mark Lapid, nirepresenta ito ni Assistant COO Atty. Joy Bulauitan.
Ayon kay Frasco, malaking pasasalamat nila sa ginawang pagtanggap ng DOH sa proposal ng kanyang ahensya para bigyang prayoridad ang seguridad ng mga turista.
Paliwanag ng kalihim na ang pasilidad ay gagawin ng TIEZA habang ang Health Department naman ang mag-ooperate dito.
Giit ni Frasco, una nang idineklara ng United Nations Tourism na ang health, safety, security, at hygiene ay mahalaga para sa tourism sustainability at competitiveness. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📸: DOT