Ikinalugod ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pagiging top 1 ng Siargao sa pinakamagandang destinasyon sa buong Timog Silangang Asya.
Hinirang ng isang prestihiyosong magazine na Lonely Planet ang Siargao bilang ‘Number 1 Place to Visit in South East Asia.’
Ayon kay Frasco, isang malaking karalangan ang mabilang ang ating bansa, partikular ang Siargao, bilang top 1 sa buong Asya.
Tunay nga aniya na isa ang Pilipinas sa pinaka may magagandang tourism sites hindi lamang sa buong Asya maging sa buong mundo.
Sa huli nagpasalamat si Sec. Frasco sa Lonely Planet sa pagpili sa Siagao, at nangangako na ipagpapatuloy nila ang pagpapaganda at pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa bansa.| ulat ni AJ Ignacio