DOTr at isang software company, lumagda sa kasunduan para sa digitalization ng mga paliparan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim, Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla, at Aziz Can Aksoyek ng TAV Technologies.

Ayon sa DOTr, layon ng proyektong ito na gawing digital ang mga operasyon sa nasabing paliparan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Airport Operational Data Base (AODB).

Ang AODB ay isang sistema na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa mga operasyon ng paliparan, kabilang ang mga flight schedules, passenger data, at cargo information.

Sa pamamagitan ng paggamit ng AODB, mas mapapabilis at mapapahusay ang mga serbisyo sa paliparan, at mas magiging madali ang pagsubaybay sa mga operasyon.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us