Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasabay ng pagdiriwang ng ika-8 taong anibersaryo ng makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA).
Ito ay kumikilala sa eksklusibong karapatan ng bansa sa mga tubig at yamang-dagat sa loob ng ating exclusive economic zone.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ang desisyong ito ay nagpapatunay na ang rule of law ay dapat na laging mangibabaw.
Ayon sa DOTr, sa loob ng walong taon mula nang lumabas ang desisyon, ang papel ng Pilipinas ay umunlad sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Sa huli, hinikayat ng ahensya ang mga susunod na henerasyon ng Pilipino na kilalanin ang ating mga karapatan sa karagatan at ipagtanggol ito. Bilang mga Pilipino, dapat tayong manatiling nakatuon sa pagprotekta sa ating teritoryo. | ulat ni Diane Lear