DOTr, pagbubutihin ang accessibility at security ng EDSA Busway lalo na para sa mga senior citizen at may kapansanan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na paiigtingin ang accessibility at security sa EDSA Busway para sa mga pasahero, lalo na sa mga senior citizen at mga may kapansanan.

Ito ay matapos na buksan ng DOTr ang mga bagong istasyon sa EDSA Busway ngayong araw kabilang dito ang EDSA – Philam at Kamuning Station.

Photo courtesy of Department of Transportation

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, layon ng DOTr na palawakin ang 18 busway stations. Aniya, ang accessibility ang tugon para mas mas madali at ligtas ang pagbiyahe para sa mga senior citizen at PWD.

Tampok sa mga bagong istasyon ang transparent na manlifts na magpapadali sa paggamit ng pedestrian footbridge patungong bus carousel, lalo na para sa mga senior citizen, buntis, at mga may kapansanan.

Mayroon ding smart traffic surveillance system na magagamit din pati na rin sa iba pang busway stops. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us