DOTr, reremedyuhan ang kapos na budget allocation para sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na gagawa ito ng paraan para hindi lubos na maapektuhan ang mga nakalatag na proyekto ng mas mababang budget para sa 2025.

Sa ulat ng DOTr, kapos ng ₱20-billion ang naaprubahang budget nito sa 2025 mula sa kanilang orihinal na proposal.

Sa Build Better More Infra Forum ng Presidential Communications Office (PCO), inamin ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na may epekto ito sa usad ng ilan sa kanilang mga proyekto.

Sa kabila nito, may mga paraan pa rin naman aniya para maremedyuhan ito.

Kabilang na rito ang pag-tap sa unprogrammed appropriation sa budget.

Bukod pa rito, 80% rin aniya ng mga proyekto ng DOTr sa Build, Better, More ang foreign assisted projects kaya may mga nakahanda nang pondo para dito.

Kaugnay nito, tiniyak ni Batan na sa ilalim ng Marcos Administration tuloy ang larga ng 69 na infra projects sa aviation, maritime, railway, at road transportation sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us