Dalawang malalaking flood control project ang natapos na ng Department of Public Works and Highways sa Polangui Albay.
Ito ay para maprotektahan ang mga residente sa naturang bayan na kadalasang inililikas kapag malakas ang ulan dahil sa pagtaas ng tubig sa Ilog.
Sa report na nakarating kay DPWH Secretary Manuel Bonoan mula kay DPWH Regional Office V Director Virgilio Eduarte at DPWH Albay 3rd District Engineer Cornelio Relativo, mawawalan na ng pangamba ang mga residente ng Barangay Buyo at Maynaga kapag panahon ng tag-ulan.
Nagkakahalaga ng P94.44 million ang 410 meter section at 6 meters height sa Itaran River na sakop ng Barangay Buyo habang 333 at 5 meters height naman sa Maynaga River.
Ang naturang proyekto ay kapwa may single barrel box culvert at railings ba nagpapatibay sa kalidad ng nasabing flood control project. | ulat ni Michael Rogas