Umaasa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na pagbibigyan sila ng hiling na kagamitan sa dredging at desilting sa mga river basin.
Ayon kay Bonoan, ito ang isa sa kanilang ipakikiusap ngayong budget deliberation ang mapagbigyan sila sa mga kagamitan para sa dredging ng mga river basin.
Aniya, wala rin silang maintenance fund para sa dredging equipment.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Works and Highways, sinabi ng kalihim na malaking tulong ito upang mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila.
Aniya, hindi umano sila pinagbigyan noon sa hiling na budget para sa maintenance at procurement ng mga equipment.
Sinabi pa ng kalihim na balak nilang isagawa ang paghuhukay at pagpapalalim sa mga ilog sa Metro Manila at mga probinsya upang maiwasan ang pagbaha tuwing may bagyo at habagat.| ulat ni Melanie V. Reyes