Siyamnapu’t apat na dating myembro ng Moro National Liberation Front ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity sa Lamitan City, Basilan.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary Alan Tanjusay at Asst Secretary Arnel Garcia ng Inclusive Sustainable Peace and Special Concerns ang pamamahagi ng cash assistance.
Bawat isang dating combatants ay nakatanggap ng Php45,000 na magagamit bilang panimula sa itatayong negosyo sa kani-kanilang komunidad.
Sa kanyang mensahe,sinabi ni Usec Tanjusay ang tuloy tuloy na pagbibigay ng kontribusyon ng ahensya para sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Philippines at MNLF.
Kabilang sa probisyon ng Bangsamoro Transitory Family Support Package (BTFSP) at ang pagbibigay ng cash-for-work (CFW) para sa mga dating rebelde.
Ang BTFSP ay kasama sa implementasyon ng MNLF Transformation Program na nasa ilalim ng 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng GPH at ng MNLF. | ulat ni Rey Ferrer