Ipinag-utos na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program’s National Program Management Office (NPMO) na madaliin ang paggawa ng mga kondisyon para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) grant.
Ang kautusan ay base na rin sa katatapos na 3rd State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,kahapon.
Dito ,hiniling ng Pangulo sa Kongreso na isama sa 2025 national budget ang karagdagang benepisyo para sa mga buntis at nagpapasusong ina na 4Ps beneficiaries.
Ang nasabing programa aniya ay tugon sa nararanasang malnutrition sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng grant sa mga batang nabibilang sa mahihirap na pamilya hanggang sa pagsapit nito ng dalawang taong gulang .
Iminungkahi ni Secretary Gatchalian at ng 4Ps team ang karagdagang 4Ps grant amounts at mabigyan ng cash grant ang mga kabataan sa loob ng kanilang First 1,000 Days .
Ang nasabing adjustment ay makapagbibigay ng purchasing power para sa mga 4Ps beneficiaries kabilang na ang insentibo para sa mga ito na makasusunod sa mga kondisyon sa ilalim ng programa. | ulat ni Rey Ferrer