Makikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lahat ng affected local government units para sa probisyon ng cash assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Carina at habagat.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ilan sa interventions na tinitingnan ng ahensya ay sa ilalim ng recovery at rehabilitation phase.
Kabilang dito ang pagbibigay ng Emergency Cash Transfer, Assistance to Individuals in Crisis Situation, o cash-for-work.
Sa kanyang ulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakapagbigay na ang DSWD ng ₱132.943 million halaga ng food and non-food items sa affected families.
Ang mga pamilyang ito ay mula sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas. | ulat ni Rey Ferrer