DSWD Chief, tiniyak ang kahandaan ng field offices nito na magbigay ng tulong sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na  ginagampanan ng maayos ng lahat ng tauhan ng DSWD Field Offices ang kanilang trabaho partikular ang pagproseso ng requests.

Pahayag ito ng kalihim kasunod ng ulat na umano’y suspension ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Davao region.

Kaugnay nito, nagpalabas ng advisory ang DSWD Field Office-11 (Davao Region) na tuloy-tuloy ang kanilang trabaho at paglilingkod sa publiko sa Davao region.

Partikular dito ang mga nangangailangan ng medical at burial assistance at iba pang support services.

Nilinaw ng Davao Field Office na sapat ang pondo ng AICS para sa implementasyon ng lahat ng services nito.

Para sa first semester ng 2024, halos 273,305 clients ang naserbisyuhan ng DSWD field office sa Davao at nakapagbigay na rin sila ng mahigit sa P1.5 billion na tulong.

Ang AICS ay kabilang sa protective services program ng ahensya na nagbibigay ng financial at material assistance, psycho-social support, at referral services para sa mga crisis-hit individual kabilang ang mga pamilya nito, base na rin sa assessment ng social worker. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us