Nakatakdang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development ang isang self-service registration at data authentication ng mga potential beneficiaries.
Ang ‘i-Registro’, ay isang dynamic social registry (DSR) na naglalayong palakasin at mapabilis ang pag-encode ng mga detalye ng bawat benepisyaryo.
Ayon kay DSWD National Household Targeting Office Director Jimmy Francis Schuck II, ang i-Registro ay isa sa digital transformation efforts ng ahensya na nakadisenyo upang mas mapabilis ang delivery ng social protection services.
Sa initial phase, naka-focus ito sa self-service registration at information authentication para sa mga buntis at nursing mothers mula sa mga munisipalidad ng Pateros sa Metro Manila, Cordova Cebu, at Floridablanca Pampanga, na nauna nang na-identify bilang pilot sites.
Ang i-Registro ay kabilang sa mga inisyatibo ng national government na naglalayong mapabilis ang serbisyo na ibinibigay ng pamahalaan para sa mga mamamayan. | ulat ni Rey Ferrer