Makikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Civil Service Commission (CSC) at Department of Health (DOH) upang matiyak na nasusunod ang mga polisiya at regulasyon kaugnay sa mga donasyon mula sa tobacco industry.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, hindi nararapat na bigyan ng kahulugan bilang promotion sa tobacco consumption ang legal opinion na inilabas ng Department of Justice (DOJ).
Malinaw na nakasaad sa DOJ legal opinion na ang pagtanggap ng mga donasyon mula sa indibidwal o kumpanyang may kinalaman sa tabako ay hindi paglabag sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2010-01 ng CSC at DOH.
Pinagbabawalan lamang nito ang mga government officials at empleyado na tumanggap ng donasyon at hindi ang mismong government agency.
Sinabi ni Dumlao, ang WHO FCTC ay ang kaunahang international treaty na nakipagnegosasyon sa ilalim ng World Health Organization (WHO).
Ito ay in-adopt ng World Health Assembly noong Mayo 21, 2003 at naipatupad noong Pebrero 27, 2005.| ulat ni Rey Ferrer