Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan na tulungan ang mga Filipino at foreign nationals na mawawalan ng trabaho sa napipintong pagsara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Pahayag ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa ginanap na 2024 Post SONA Discussions on Environmental Protection and Disaster Risk Reduction sa Pasay City.
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang pag-ban sa lahat ng POGO epektibo kahapon.
Inatasan nito ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hanapan ng trabaho ang libo-libong Pinoy kapag natigil na ang operasyon ng POGO sa Disyembre 31,2024.
Para sa mga Pinoy workers na mawawalan ng trabaho,
bibigyan sila ng cash aid ng DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program at cash assistance para makapagsimula ng maliit na negosyo sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program.| ulat ni Rey Ferrer