Kabuuang ₱1.8 billion halaga ng emergency cash transfer ang naipagkaloob na ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng shearline at trough ng Low Pressure Area sa Davao Region noong unang quarter ng 2024 .
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,
hanggang Hulyo 5, kabuuang 221,545 beneficiaries mula sa lalawigan ng Davao Del Norte, Davao Oriental, at Davao De Oro ang nakatanggap na ng ECT.
Sa Davao Del Norte, nakapagpalabas ang Field Office ng mahigit Php671.5 million para sa 67,421 benepisyaryo.
Nasa Php921.4 million naman ang ipinamahagi sa 92,516 pamilya mula sa Davao Oriental.
At sa Davao de Oro, ay nakapagbigay ang DSWD ng Php306.8 million para sa 61,608 residente.
Nagsagawa din ng ikalawang round ng payout ang Field Office sa mga munisipalidad ng Cateel, Davao Oriental ; Caraga, Davao Oriental; Nabunturan, Davao de Oro at Compostela, Davao de Oro. | ulat ni Rey Ferrer