Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa United Arab Emirates (UAE) govt sa pagpapaabot nito ng humanitarian aid sa mga pamilyang tinamaan ng Super Typhoon Carina at ‘Habagat.’
Kasama si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa tumanggap ng 80 tonelada ng donasyon sa isang turn over ceremony sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Kabilang sa donated goods ang mga pakete at lata ng pasta, wheat flour, basmati rice, red lentils, dates, chickpeas, powdered juice, tomato paste, sugar, salt, at sweet corn
Ayon kay Sec. Gatchalian, hindi nagsasawa ang UAE sa pagsuporta sa Pilipinas lalo na sa panahon ng kalamidad
“Kung matatandaan nyo, last year sa Mayon, isang 777 [aircraft] naman ang dumating na punong-puno rin ng relief goods. So this time naman, isang 747 [aircraft], mas marami dahil alam natin na mas malawak ang naging pinsala last week ng baha. At tumulong din sila sa malakihang landslide sa Davao de Oro so talagang natutuwa kami na ang ating kaibigan, ang United Arab Emirates ay patuloy na sumusubaybay at yumayabong ang ating partnersahip lalong lalo na sa ganitong pagkakataon,” Secretary Gatchalian.
Una na ring nagpadala ang UAE ang tulong sa mga apektado ng pagalburoto ng Mt. Mayon noong nakaraang taon at sa landslide sa Davao de Oro nitong pebrero.
Bukod kay Sec. Gatchalian, present din sa turnover ceremony sina DILG Sec. Benhur Abalos at Special Envoy to the UAE for Trade and Investment Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel. | ulat ni Merry Ann Bastasa