DSWD, nanawagan ng volunteers para sa National Resource Operations Center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanap ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng volunteers na tutulong para sa repacking ng mga family food packs na ipapadala sa mga apektado ng habagat at bagyong Carina.

Ayon sa DSWD, ide-deploy ang volunteers sa repacking center nito sa DSWD-National Resource Operations Center, Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.

Para sa mga interesadong indibidwal o grupong nais maglaan ng kanilang oras, tumatanggap ang DSWD ng volunteers. Kailangan lamang na magrehistro sa: https://forms.gle/ovhuJCNTYvj9gUXJ9

Makipag-ugnayan din kay Shara Lee at [email protected] or 09260612646.

Sa araw ng pagpunta sa repacking center, pinapayuhan ang volunteers na magsuot ng komportableng damit, closed toe shoes, at water bottle container.

Una nang sinabi ng DSWD na may nakalaan itong ₱2.5-billion na relief resources kabilang ang stockpile at standby funds para umagapay sa mga nasalanta ng bagyong Carina. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us