Nakatakdang simulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng family food packs para sa mga indibidwal at pamilyang apektado ng matinding pagbaha sa mga lalawigan ng Lanao del Sur at Maguindanao del Norte sa Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa DSWD, may nakahanda na itong halos 15,000 Family Food Packs (FFPs) na ibibigay sa mga apektadong residente.
Kabilang naman sa mga lugar sa Lanao del Sur na makatatanggap ng FFPs ay ang mga bayan ng Balagan, Kapatagan, Malabang, Marugong, at Pikong.
Gayundin sa Cotabato City, Matanog Municipality, at Sultan Kudarat City sa Maguindanao del Norte.
Sa inisyal na tala ng DSWD, mayroon nang higit 800 pamilya ang apektado ng matinding baha sa BARMM.
Una nang inatasan ni Secretary Rex Gatchalian ang agarang paghahatid ng food packs sa BARMM mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC). | ulat ni Merry Ann Bastasa