DTI at isang malaking mall, lumagda ng MOA para sa pagpapalakas ng MSMEs sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI) at isang pinakamalaking mall operator sa Pilipinas na SM Prime Holdings Incorporated ng Memorardum of Agreement (MOA) para sa pagsuporta sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual layon ng naturang MOA na magkaroon ng market ang bawat MSME, maging ang pagsusulong ng One Town, One Product  (OTOP) sa bawat lugar at lalawigan sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Pascual na layunin din nito na magkaroon pa ang mga MSME ng mas maraming oportunidad sa kanilang mga produkto na maibenta sa mas malaking merkado gaya ng mga mall.

Sa huli nagpasalamat si Secretary Pascual sa SM Malls sa palagiang pagsuporta sa maliliit na negosyo sa bansa.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us