Nagsagawa ng operasyon sa pinagsanib na pwersa ng Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB), National Bureau of Ivestigation (NBI) at ang lokal na pamahalaan ng Tanza ang isang warehouse na nagbebenta ng uncertified appliances sa Tanza, Cavite.
Ayon kay DTI-FTEB Director Fhillip D. Sawali na ang naturang mga produkto ay misdeclared appliances mula sa blender, electric kettle, iductIon cooker at electric fan kung saan umabot sa 14,072 piraso ang kabuuang bilang ng mga nabangit kong mga produkto.
Samantala, nagkakahalaga ang nasabat na produkto ng nasa mahigit P8.2 million ang halaga ng nakumpiskang produkto.
Samantala, nakatakdang sampahan ng kaso ng FTEB ang may-ari ng naturang mga produkto na isang korporasyon na pagmamay-ari ng isang Chinese.| ulat ni AJ Ignacio