Ipinahayag ng Embahada ng Pilipinas sa Canberra at ng Consulate General sa Sydney ang matinding pagkabigla at kalungkutan nito sa malagim na pagkamatay ng mag-asawang Australiano na sina David James Fisk at Lucita Barquin Cortez kasama ang Filipina na si Mary Jane Cortez na nasawi sa kamay ng hindi pa nakilalang salarin.
Kasabay nito ang pagpapaabot ng embahada ng kanilang pakikiramay at taos-pusong simpatya sa pamilya at mga mahal sa buhay nina David at Lucita. Kasabay din nito ang pagpapaabot ng kanilang mga dasal para sa kapanatagan at kaginhawaan sa mga kapanahunang ito.
Ayon din sa Embahada, kaisa nito ang gobyerno ng Australia para sa pagbibigay hustisya sa kumitil sa buhay ng mga biktima.
Hulyo 11, natagpuan na lamang ang bangkay ng tatlo sa loob ng isang kilalang hotel sa Tagaytay City, bandang kamakalawa ng hapon.
Sinasabing nagbabakasyon sa bansa ang mag-asawang Australyano bago nangyari ang malagim na pangyayari.
Isang task force na rin ang binuo sa utos ni Police Regional Office 4A Regional Director PBGen Paul Kenneth Lucas para sa pagkakakilanlan at agarang pagdakip sa suspek na responsable sa insidente ng pagpatay sa nasabing hotel sa Tagaytay. | ulat ni EJ Lazaro