Employers Confederetion of the Philippines, susunod sa ₱35 na dagdag minimum wage 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na susunod sila sa utos ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board na nagdagdag ng ₱35 sa arawang sweldo ng mga manggagawa. 

Ayon kay ECOP Chairman Sergio Ortiz, dumaan sa proseso ang nasabing umento sa sweldo kung kaya’t wala silang magagawa tungkol dito. 

Aminado siya, mabigat para sa iba nilang kasamahan ang panibagong dagdag-sweldo sa mga manggagawa pero kailangan nilang sumunod. 

Hindi naman daw sila tutol sa dagdag sweldo pero dapat ay ₱15 hanggang ₱20 lamang ang itataas. 

Hindi rin niya matitiyak kung walang magaganap na pagtaas sa ilang bilihin dahil dito rin naman kukunin ng mga negosyante ang dagdag-sweldo sa mga empleyado.  | ulat ni Mike Rogas

📸: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us