Tiniyak ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na susunod sila sa utos ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board na nagdagdag ng ₱35 sa arawang sweldo ng mga manggagawa.
Ayon kay ECOP Chairman Sergio Ortiz, dumaan sa proseso ang nasabing umento sa sweldo kung kaya’t wala silang magagawa tungkol dito.
Aminado siya, mabigat para sa iba nilang kasamahan ang panibagong dagdag-sweldo sa mga manggagawa pero kailangan nilang sumunod.
Hindi naman daw sila tutol sa dagdag sweldo pero dapat ay ₱15 hanggang ₱20 lamang ang itataas.
Hindi rin niya matitiyak kung walang magaganap na pagtaas sa ilang bilihin dahil dito rin naman kukunin ng mga negosyante ang dagdag-sweldo sa mga empleyado. | ulat ni Mike Rogas
📸: PNA