End-of-trip cycling facilities, binuksan sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak pa ang suporta para sa mga siklista sa Quezon City sa pagbubukas ng karagdagang cycling facilties sa lungsod.

Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte, Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary James Melad, at iba pang opisyal ng QC LGU ang pormal na paglulunsad ng bagong
end-of-trip cycling facility na matatagpuan sa QC Hall Compound.

Sa ilalim ng proyektong ito ng DOTr at QC LGU, mayroong 15 sets ng short term end-of-trip (EOT) cycling facility ang itinayo sa iba’t ibang bahagi ng QC na kumpleto sa bike racks, bicycle shed, at bike repair station.

Matatagpuan ang mga ito sa QC Hall Compound, PUP-QC, Ismael Mathay Sr. High School, Veterans Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, at Amoranto Sports Complex.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, bahagi pa rin ito ng active transport infrastructure sa Quezon City.

Layon din ng proyekto na palakasin ang suporta sa mga nagbibisikleta at itaguyod ang bike commuting na mas sustainable transportation sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us