Tama lang ang ginawang pagbabawal ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa operasyon ng lahat ng POGO sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile.
Isa si Enrile sa mga resource person na dumalo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara hinggil sa POGO related crimes.
Ani Enrile, kung siya man, ‘sisipain’ niya palabas ng bansa ang mga POGO.
Dagdag pa niya, ang mga POGO ay maituturing na isang money laundering operation.
“I agree with the president I will kick out POGO in this country. POGO is a money laundering operation.” ani Enrile.
Matatandaang sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni PBBM ay inanunsyo nito ang total ban sa lahat ng POGO ligal man o iligal.
Binigyan din ito ng hanggang sa katapusan ng taon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para ipasara ang lahat ng POGO sa bansa. | ulat ni Kathleen Forbes