Umapela ang environmental health group na EcoWaste Coalition na gawing zero waste and toxic-free ang Brigada Eskwela na pasisimulan na sa Hulyo 22.
Anila, dapat iwasan na ang pagdadala ng single-use plastics sa paaralan, tulad ng tubig sa plastic bottles, pagkain na nakalagay sa polystyrene foam containers.
Hiling din nila ang paggamit ng plant-based materials sa paglilinis at ang pag iwas sa paggamit ng polyvinyl chloride at plastic tarpaulins.
Paalala pa ng grupo ang tamang segregation sa basura at mahigpit na pagbabawal sa pagsusunog nito.
Huwag na ring gumamit ng hazardous substances sa paglilinis na peligro sa kalusugan ng tao gaya ng oxalic at muriatic acid.
Apela pa ng mga ito na pagandahin ang Materials Recovery Facility ng paaralan at ang paggamit ng mga certified lead-safe na pintura bukod sa iba pa. | ulat ni Rey Ferrer