Hinamon ni Finance Secretary Ralph Recto ang industriya ng life insurance na maging pwersa ng bansa laban sa kahirapan sa pamamagitan ng kanilang pag-increase ng market penetration at gawing basic necessity ang mga life insurance sa mga Pilipino.
Ito ang mensahe ni Recto sa kanyang pagdalo sa 74th anniversary ng Philippine Life Insurance Association o PLIA.
Paliwanag ni Recto na ang mga “banta sa buhay” ang main driver ng kahirapan at ang pagkakaroon ng life insurance ang isang paraan upang maibsan ang epekto ng kahirapan.
Binigyang diin pa ng finance chief na ang ultimate goal ng Marcos Jr. administration ay gawing single digit o 9% ang poverty rate sa taong 2028.
Hinikayat nito ang mga miyembro ng PLIA na agresibong iinovate at i-educate sa mga Pilipino ang kahalagahan ng life insurance.
Importante aniya na hindi lang dapat makita ito ng mga Pilipio bilang isang gastos o para lamang sa mga mayayaman o pakikinabangan kapag pumanaw bagkus isang paraan ng pagmamahal sa kanilang mga kapamilya.| ulat ni Melany V. Reyes