Muling iginiit ni Finance Secretary Ralph Recto na hind pa kailangan ang bagong buwis upang pataasin ang revenue collection.
Ito ang inihayag ng kalihim sa isinagawang Economic Briefing ngayong araw sa Lungsod ng Maynila.
Paliwanag ni Recto, ang ginagawa ngayon ng administrasyon ay ang isulong ang amyenda sa mga kasalukuyang buwis na nakasalang ngayon sa Kongreso.
Tiniyak din ng kalihim na ang mga repormang isinusulong ng Marcos Jr. administration ay naglalayong pagaanin ang pasanin ng consumers at taxpayers.
Patuloy aniyang pag-iibayuhin ng gobyerno ang koleksyon ng non-tax revenues upang tumaas ang revenue collection, para pondohan ang priority programs at projects ng pamahalaan.
Tinatayang nasa P42 billion kada taon ang maidadagdag sa kaban ng bayan kapag naisabatas ang mga nasabing tax reform. | ulat ni Melany Valdoz Reyes