Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-ban na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa dahil sa negatibong impact nito.
Diin ni Recto, ang pagbabawal sa operasyon ng POGO ay hindi makaapekto ng malaki sa ekonomiya dahil ang gastos sa pagpapanatili sa mga ito ay mas malaki kumpara sa mga benepisyo.
Base sa isinumiting “cost benefit analysis report” ng kalihim sa pangulo nuong June 25, 2024 nasa P99.52 billion pesos kada taon ang net operations cost ng POGO sa bansa habang ang economic benefits ay nasa P 166.49 billion per year.
Kabilang din sa direct economic benefits ay ang kit amula sa residential spece rentals, transportation at private consumptions ng mga empleyado nito.
Pero ayon sa kalihim.. kabilang sa estimated economic cost ng POGO ang hindi kanais nais na epekto gaya ng “reputational risk” na nakakaapekto sa foreign direct investments.
Anya ang POGO related crimes ay nakakasira sa imahe ng Pilipinas sa investments at tourism.
Dagdag pa ng kalihim.. kabilang sa social cost ang pagkawala ng buhay, physical at psychological effect bunsod ng mga krimes, banta at takot ng lipunan sa mga illegal na aktibidad. | ulat ni Melany V. Reyes