Finger prints ng isa pang Alice Guo, di tumugma sa finger print ng suspendidong Bamban Mayor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi tumugma ang finger print ng isa pang Alice Guo na nag-apply ng NBI Clearance noong taong 2005 kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa pulong balitaan ngayong araw.

Batay sa records ng NBI, nag-apply ng NBI Clearance ang ikatlong Alice Guo noong 2005 na taga Project 8 sa Quezon City.

Kanila nang inimbestigahan ang lugar na tinitirhan sa nasabing lungsod pero walang Alice Guo ang nakatira doon.

Una nang nag-match ang finger print ng suspendidong alkalde  sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Nanindigan ang NBI Chief na iisang tao lang si Alice Guo at Chinese National na si Guo Hua Ping.

Kaugnay nito, hiningi na rin ng NBI ang tulong ng publiko para magbigay ng impormasyon kung may nalalaman sila sa isang bagong Alice Guo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us