Fingerprints ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nag-match rin sa isang Chinese national na si Guo Xiang Dan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) na pareho ang fingerprints ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Wesley Guo sa Chinese national na si Guo Xiang Dan.

Ibinahagi ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang impormasyon na ito gayundin ang kopya ng Philippine passport ni Wesley Guo at ang Chinese passport ni Guo Xiang Dan.

Ayon kay Gatchalian, napag-match ang fingerprints ng dalawa gamit ang record mula sa Board of Investments (BOI) at NBI biometrics record.

Base sa impormasyon ng senador, dumating ng Pilipinas si Guo Xiang Dan noong 1999 at inilistang dependent son ni Lin Wen Yi, o ang nakarehistro ring ina ni Mayor Alice (Guo Hua Ping).

Isiniwalat rin ng mambabatas na mayroong hawak na Chinese passport si Guo Xiang Dan na mag-eexpire sa 2025 na salitan niyang ginagamit ang kanyang Philippine at Chinese passport mula 2003.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ipinapakita lang nito kung paanong inabuso ng pamilya Guo ang Late Registration of Birth process ng ating bansa para makapagpanggap silang mga Pilipino. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us