Bahagi na ng Philippine Coast Guard Auxiliary si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ito ang kinumpurma ni PCG Spokesperson Armand Ballilo, kasabay ng pagbabahagi ng larawan ng oath taking ng Unang Ginang, kung saan present ang bunsong anak ng first family na si Vincent Marcos.
Ayon sa opisyal, ginawaran ng honorary rank na Vice Admiral si FL Liza.
Nagpasalamat rin aniya ito sa PCG, partikular sa papel na ginagampanan sa West Philippine Sea (WPS).
Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista at PCG Admiral Ronnie Gavan ang paggawad ng ranggo.| ulat ni Racquel Bayan