Tuloy-tuloy si First Lady Liza Marcos sa ginagawa nitong pag-turnover ng Bagong Pilipinas Mobile Clinics na naglalayong mapabuti ang access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga liblib at mahihirap na lugar.
Sa pinakahuling distribusyon ng nasabing Mobile Clinics ng Unang Ginang, dalawang rehiyon ang naging subject ng pamamahagi nito.
Ito ay ang Region 4 at Region 5 na kung saan ay 16 na probinsiya sa nasabing mga rehiyon ang napagkalooban ng Mobile Clinics.
Ang nabanggit na inisyatiba ay nasa ilalim ng programa ng Unang Ginang na “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” o LAB for all.
Ang Mobile Clinics ay mayroong laboratory, at X-ray facilities, gayudin ng medical essentials gaya ng patient’s bed at iba pang medical equipment gaya ng ECG, ultrasound, cholesterol monitoring, glucose testing, at blood hematology tools. | ulat ni Alvin Baltazar