Frontliners na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado Habagat at Bagyong #CarinaPH, pinasalamatan ni SP Chiz
Nagpahatid ng suporta at panalangin si Senate President Chiz Escudero sa lahat ng mga frontliner mula sa national at local government agencies na tumutugon sa mga nangangailangan ng tulong sa gitna ng pagbaha sa Metro Manila at ilan pang mga lugar.
Nagpasalamat si Escudero sa serbisyo ng mga ito gayundin sa pinapakita nilang sense of duty at courage.
Pinuri rin ng Senate leader ang nasa 122 Senate employees, PNP, BFP, guards at utility personnel na pumasok pa rin sa Senado ngayong araw.
Sila ang nagpapanatiling secured ang Senado sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa paligid ng gusali ng mataas na kapulungan.
Samantala, nanawagan rin ng pag-iingat si Senador Lito Lapid ngayong nararanasan ang matinding pag ulang dulot ng Habagat at Bagyong #CarinaPH.
Kasabay nito ay nagpaalala rin ang senador sa lahat na maging handa lalo na sa pagtulong sa ating mga kababayan na apektado ng kalamidad na ito.| ulat ni Nimfa Asuncion