Record breaking para sa ilang kilalang negosyante sa bansa ang taong 2023 kung pag-uusapan ay full recovery ng pagnenegosyo ang pag-uusapan.
Ito ang sinabi sa Pre-SONA Special na ThroughTheLens ni Catch Alliance Global CEO Kevin Tan.
Sinabi ni Tan na isa ito sa aniya’y remarkable o pangyayaring tumatak sa larangan ng pagnenegosyo sa pag-upo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr noong 2022.
Sa ilalim aniya ng Marcos administration ay mabilis ang pagbabalik sa normal ng takbo ng kalakalan sa bansa kasunod ng ilang taong pagkakalugmok nito dahil sa pandemya.
At pagdating ng 2023, dito na aniya pumalo ang ekonomiya at nakapagtala pa ng all time high record na mas mataas pa noong panahon ng pre-pandemic o bago kumalat ang COVID-19 sa buong mundo. | ulat ni Alvin Baltazar