Isinasagawa ngayong hapon ang Gabi ng Pasasalamat Concert sa Pasig City Hall Quadrangle.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag nf Pasig bilang isang bayan.
Tampok sa concert ang perfomances ng mga guest artist gaya ng Magnus Haven, Skusta Clee, Flow G, The Knobs, at iba pa.
Kaugnay nito, ilang mga pangunahing lansangan sa lungsod ang isinara upang magbigay daan sa concert.
Simula alas-5:00 ng hapon pansamantalang isinara sa mga motorista ang Caruncho Ave. at F. Manalo Street.
Para naman sa mga Pasigueño na hindi makakapunta sa concert, ito ay naka-livestream Pasig City. | ulat ni Diane Lear