Gaganaping SONA ngayong taon, pinakamalaki sa kasaysayan – House Secretary General Velasco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ngayon ni House Secretary General Reginald Velasco na maituturing na pinakamalaki ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.

Ito ay batay na rin aniya sa dami ng bisita na nagkumpirma na pupunta.

Sa ngayon nasa higit 2,000 na aniya ang mga bisita na nagsabi na dadalo sila sa SONA ng Pangulo.

Maliban pa ito sa mga naghayag na gustong masaksihan ang SONA.

Mayroon 1,312 na upuan sa plenary hall at magdaragdag aniya sila ng 502 na upuan upang makaupo ang nasa 1,814 na personalidad sa loob n plenaryo.

Magbubukas rin aniya sila ng dagdag na viewing room sa Romualdez Hall na maaaring maka-accommodate ng 300 pang katao.

Sa kaasalukuyan mayroon na rin aniyang 47 foreign dignitaries ang nagsabi na sila ay dadalo sa SONA.

Kapwa naman nagpadala ng liham sina dating Vice President Leni Robredo at Jejomar Binay na hindi sila makakadalo.

Habang naghihintay pa rin aniya sila ng kumpirmasyon kung dadalo si Vice President Sara Duterte. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us