On-going na ang konstruksyon ng P450 million Antipolo Transmission Line ng Manila Water, isang mahalagang component sa paghahatid ng serbisyo ng tubig sa Lalawigan ng Rizal.
Ang proyekto ay ginawa ng water company upang matugunan ang tumataas na pangangailangan ng tubig sa lalawigan.
May haba na siyam na kilometro ang transmission line mula sa bayan ng Teresa sa Rizal, na dadaan sa Roman-Rojas Road papunta sa NHA Access Road hanggang sa Sitio Boso-Boso.
Kasama sa construction works para sa proyektong ito ang pipelaying, asphalt pavement restoration, at pagtatayo ng pipe bridge.
Binubuo ng dalawang major components ang service improvement project na kinabibilangan ng Package 1 at Package 2.
Ang Package 1 ay ang paglalatag ng 1600mm-diameter steel pipe sa kahabaan ng Roman-Rojas at NHA Road, na inaasahang matatapos sa 2025.
Habang ang Package 2 ay ang paglalagay ng 1600mm-diameter steel pipe sa bagong Access Road papuntang Boso-Boso Reservoir, na inaasahan namang matatapos ngayong fourth quarter ng 2024. Sa sandaling maging operational ang proyekto, makakapagbigay ito ng karagdagang serbisyo ng tubig sa mahigit isang milyong customers sa Antipolo City, Teresa, Baras, Taytay, at Angono. | ulat ni Rey Ferrer