Gagamitin ng national government ang pondo mula sa insurance program nito upang pondohan ang pagsasaayos ng pinsala sa mga paaralan dulot ng bagyong Carina.
Sa statement na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr) nakatakda silang mag-file ng claim sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program (NIIP) para sa pagsasaayos ng umaabot sa 451 na mga public schools.
Sa ngayon, aktibong nakikipag-ugnayan ang BTr sa Department of Education (DepEd), at Government Service Insurance System (GSIS) para sa insurance claim sa ilalim ng NIIP.
Ang NIIP ay sinimulan noong January 1 para sa comprehensive coverage ng government assets laban sa sunog, lightning, typhoons, floods, earthquakes, at volcanic eruptions.
Sa pilot run nito, nakuhanan ng BTr ng insurance ang may 132,862 na mga school building sa bansa na nagkakahalaga ng ₱843.11-billion.
Ang NIIP ay bahagi rin ng Disaster Risk Finance strategy na naglalayong protektahan ang government’s fiscal health, liquidity para sa post-disaster at bawasan ang impact ng kalamidad sa mga most vulnerable sector. | ulat ni Melany Valdoz Reyes