Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga nakakasang whole-of government intervention ng gobyerno upang mas maramdaaman ng maraming Pilipino ang mababang inflation.
Kabilang dito ang nakatakdang paglalabas ng panuntunan ng Department of Agriculture (DA) upang paghusayin ang patakaran ng pag-aangkat ng agricultural products sa pamamagitan ng pag-streamline ng mga administrative process at tanggalin ang non-tariff barrier.
Inilunsad din ng DA ang “bigas 29 program (P29)” sa sampung kadiwa sites sa Metro Manila at Bulacan para sa mahihirap at vulnerable groups.
Sa darating na Agosto, target naman ng DA na doblehin ang kadiwa sites para magbenta ng subsidized rice upang maabot ang mga kababayan sa Visayas ar Mindanao.
Ayon kay Recto, pag-iibayuin din ng Bureau of Customs (BOC) ang mga hakbang upang tiyakin na tama ang umiiral na duties and taxes sa rice imports.
Patuloy din ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistance sa mga magsasaka at mangingisda bilang bahagi Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and their Families (PAFFF).
Ayon kay Recto, bagaman mababa ang non-food inflation, patuloy na binabantayan ng gobyerno ang mga potential drivers ng inflation upang maiwasan ang epekto nito. | ulat ni Melany-Valdoz-Reyes