Nakatuon ang administrasyong Marcos Jr. na isulong ang pagsasabatas ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Maximize Opportunities and Reinvigorating the Economy o CREATE MORE bill.
Sa post State on the Nation Address (SONA) discussion ngayong araw, tinalakay ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na mahalagang maisabatas ang hakbang upang mapanatili ang economic gains at pagtahak ng roadmap for inclusive and sustainable growth.
Anya layon ng CREATE MORE na makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino sa mga susunod mga taon.
Hindi lamang nito aniya mapapalakas ang “ease of doing business” sa bansa bagkus mailalagay pa nito ang Pilipinas bilang pangunahing “investment hub” sa mundo.
Binigyang diin pa ng investment and economic affairs czar, layon ng CREATE MORE na gawing matatag ang fiscal and non-fiscal invectives upang palakasin ang business partnerships ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes