Grupo ng mga guro, nanawagan kay PBBM na ‘wag politiko ang italaga bilang susunod na kalihim ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Teachers Dignity Coalition (TDC) na hindi dapat na isang politiko ang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa isang pahayag, sinabi ni TDC Chairperson Benjo Basas na umaasa silang makapili ang Pangulo ng isang mahusay na lider na maalam sa agham ng edukasyon.

Dapat rin aniyang hindi ito politiko nang hindi mahaluan ng ibang interes ang kanyang trabaho at matutukan ang layunin sa DepEd.

Kasunod nito, sinabi ng TDC na tama lang na bigyan pa ng dagdag na panahon ang Pangulo para makapili ng susunod na DepEd secretary.

Marahil aniya ay ikinukonsidera ng Punong Ehekutibo ang panawagan ng mga grupo ng guro.

Kasunod nito, tiniyak naman ng TDC na susuportahan nila ang sinumang italaga ng Pangulo para sa posisyon at mananatiling bukas na makipagtulungan dito para matugunan ang mga hamon sa sektor ng edukasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us