Gun at liquor ban, ipatutupad ng QCPD sa July 22 para sa SONA ng Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD) ang gun at liquor ban sa bisinidad ng Batasan Complex sa July 22 bilang bahagi ng security measures para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong-balitaan sa Camp Crame kahapon kasabay ng pagsabi na pinaigting ng PNP ang kanilang intelligence monitoring at security operations para masiguro ang mapayapang pagdaraos ng ikatlong SONA ng Pangulo.

Ayon kay Fajardo regular ang koordinasyon ng PNP sa iba’t ibang law enforcement agency para sa mga posibleng banta sa administrasyon.

Sa ngayon aniya ay walang seryosong banta sa SONA, at nasa halos pinal na yugto na ng paghahanda.

Magkakaroon aniya ng pinal na inter-agency meeting ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) para plantsahin ang latag ng seguridad kung sakaling may mga aprubahan na permit para sa mga rally na idaraos sa araw ng SONA. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us