Halaga ng iligal na drogang nasabat ng PDEA, umabot na sa ₱44-B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa ₱44.69-billion ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakum­piska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 71,000 anti-drug operation nito mula July 1, 2022 hanggang katapusan ng Mayo.

Nangunguna rito ang nasabat na Shabu na umabot sa 5,813 kilo, 74.60 kilo ng Cocaine, higit 96,000 piraso ng Ecstasy at 3,907 kilo ng Marijuana.

Kaugnay nito, umabot na rin sa 97,445 ang mga naarestong drug personalities.

Samantala, nasa 28,825 na rin ang mga idineklarang drug-cleared na barangay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us